91
Giannis magpapatayo ng court sa Greece
Jun 29, 2019 @ 18:31

Tapos ng MVP season sa NBA, Giannis tutok sa World Cup

Hindi natatapos sa pagiging Most Valuable Player (MVP) ng nagdaang season ng NBA ang oras ni ‘Greek Freak’ Giannis Antetokounmpo.

Sunod na bubuhusan n atensiyon ni Gianni sang 2019 FIBA World Cup sa China ngayong Agosto, nagyabang pang kahit ano’ng posisyon pwede siya.

“Whether I play the 1 (point guard) or the 5 (center), I don’t care,” pagmamalaki ni Giannis. “I’m a basketball player. I want to help the team any way I can.”

Didribol ang World Cup sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15 at kabilang ang Greece sa 32 bansang kalahok.

Hindi nakalaro si Antetokounmpo para sa Greece sa nagdaang 2017 Eurobasket kaya pinagbintangan siya noon ng Greek basketball federation na pineke ang umano’y nakuhang knee injury.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?