179

Jan 5, 2019 @ 20:20

Tapatang Jaja-Dindin hindi nasilayan sa Japan V. League

Hindi nasaksihan ng volleyball fans ang inaabangang banggaan ng magkapatid na Santiago sa paghaharap ng kanilang tropa sa V. League Premier sa Japan.

Bangko si Dindin Santiago-Manabat para kanyang koponan na Toray Arrows habang si Jaja Santiago naman ay pumalo ng anim na puntos para sa Ageo Medics.

Bagama’t malaki ang naging ambag ni Santiago sa Ageo Medics hindi pa rin ito sapat ito para manalo, 25-19, 25-18, 25-23, ngayong Sabado.

Angat ngayon ang Toray Arrows sa ikapitong pwesto bitbit ang 5-4 na kartada habang sadsad sa ikawalong pwesto ang Ageo Medics hawak ang 4-6 na baraha.

Consistent ang nakababatang Santiago sa mga laro nito sa Ageo Medics habang madalang naman makita si Dindin sa Toray Arrows.

Umaasa pa rin ang volleyball fans na magkakaharap na ang magkapatid sa nasabing liga sa oras na muling magharap ang kanilang koponan sa Pebrero 9. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?