261
sss
By

Taon-taong pag-report ng pensioners sa SSS, aalisin na

Sharing is caring!

Simula sa darating na Oktubre 30, hindi na kailangan na magpakita pa taon-taon ang mga pensiyonado ng Social Security System (SSS).

Sinabi ito ni SSS Presidente and CEO Emmanuel Dooc at aniya 58.64 porsiyento ng tinatayang 2.3 milyong pensioners nila ang makikinabang sa pag-amyenda sa kanilang Annual Confirmation of Pensioners Program (ACOP).

Sa umiiral na sistema ngayon, ang mga 84 taong gulang at pababba na mga SSS pensioners ay kinakailangan na magpakita isang beses sa isang taon sa opisina ng ahensiya para makumpirma na natatanggap nila ang kanilang buwang pension.

Ngunit sa Nobyembre ang kanilang mga tauhan na lang ang magsasagawa ng verification procedure para makumpirma na buhay pa ang tumatanggap ng pensyon.

Paglilinaw naman ng opisyal ang mga retirado na nasa ibang bansa, total disability pensioners, survivor pensioners at dependents ay kailangan na sumunod pa rin sa ACOP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?