28

Dec 21, 2017 @ 18:45
By

‘Tao-tao’ system ipapatupad sa mga airports sa bansa

Ang istilo sa depensa sa basketball na ‘tao-tao,’ ang mistulang ipapatupad sa mga airports sa bansa.

Ito ay dahil sa pagsisimula na ng Christmas rush ng mga pasahero sa mga airports.

Sinabi ni Manila International Airport Authority Gen. Manager Ed Monreal pinatitiyak niya na ang lahat ng mga puwesto sa airports ay may tao.

Ito aniya para mas maraming pasahero ang mapagsilbihan sa lahat ng kanilang mga pangangailangan.

Ipinag utos din niya sa lahat ng terminal managers na regular na makipag ugnayan sa mga airline companies hinggil sa delay o suspensyon ng mga biyahe.

Sinabi ni Monreal ito ay para naman mabawasan ang epekto ng mga aberya sa mga pasahero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?