14

Jan 12, 2022 @ 14:42
By

Tao rin sila: Mga guro bigyan ng 2 linggong break – Hontiveros

Sinusuportahan ni Senadora Risa Hontiveros ang panawagan ng mga guro na magkaroon ng dalawang linggong health break.

“Teachers are humans, too. They are also exposed to the same health risks and are experiencing the same difficulties like everybody else,” sabi ni Hontiveros sa isang statement.

“Maaaring hindi lang sila ang may sakit kundi ang kanilang pamilya. A two-week break is the amount of time for full quarantine and to let them rest, recover or attend to their family’s needs,” dagdag nito.

Una rito,ang Alliance of Concerned Teachers sa pamahalaan na magpatupad ng dalawang linggong “health break” sa mga paaralan na nasa ilalim ng Alert Level 3 sa gitna ng muling tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, umapela din si Hontiveros sa Commission on Higher Education na irekonsidera ang naunang pahayag nito patungkol sa pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes.

Aniya, dapat isaalang-alang ng CHR ang kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante at mga guro.

“We also cannot allow sick teachers teaching our children who are also vulnerable to COVID. Ang kalusugan ng ating mga guro ay kalusugan din ng ating mga anak,” sabi ni Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?