1,368
tanya-garcia-bam-aquino
By

Tanya Garcia kay Sen. Bam Aquino: ‘Keep your mouth shut!’

Sharing is caring!

Mas madalas na deadma lang at hindi pumapatol ang aktres na si Tanya Garcia, pero hindi nito napigilang mag-react sa naging negative reaction ni Sen. Bam Aquino sa lumabas na survey para sa 2019 Magic 12 surveys para sa senatoriables.

Nanguna rito si Senator Grace Poe at isa rin sa nasa top 12 ay ang dating senador na si Lito Lapid. Si dating Sen. Lapid ay father-in-law ni Tanya dahil sa mister niyang si Mark Lapid.

Parehong nasa primetime series na “Ang Probinsyano” ng ABS-CBN ang mag-ama. At tila tiningnan ito ni Sen. Bam na dahilan kaya raw siguro nakapasok sa Top 12 survey ang dating senator.

Dahil dito, nag-react at nag-post si Tanya sa kanyang Facebook account at diretsuhan nitong pinangalanan si Sen. Bam.

Ayon kay Tanya, “Hmmmm …why Bam Aquino???? So you think ikaw lang deserving maging senator??? At yung ibang humahabol, hindi? O e di ikaw na! Ikaw na! Bam Aquino for Senator this 2019! I sincerely hope you win ng madami ka pang magawa!

“At nakakatawa kayo, ke LP man or hindi, nung senador si Lito Lapid ang daming niyong sinasabi, ngayon na nag-aartista na nga lang ay may sinasabi pa rin kayo! Ano ba talaga gusto nyo gawin nung tao????

“P.S. if you claim you respect the results of the survey, dapat wala ng ‘kaya lang….’ if you really claim you respect it, you’d keep your mouth shut.

“Oh and btw Lito Lapid hasn’t even said he’d run this 2019.”

Naalala tuloy namin ang mga post naman ni Coco Martin. Malamang hindi ito nababasa ni Senator Bam dahil magkasalungat sila ng pananaw sa dating senator kung paano ito purihin ni Coco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?