62

Oct 4, 2021 @ 16:58
By

Tanungan sa hearing ni Dick mala-sindikato ang dating – solon

Mala-crime syndicate umano ang dating ng tanungin sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee na pinamumunuan ni Sen.Dick Gordon.

Ito ang sinabi ni Deputy Speaker at SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta sa pagpapatuloy ng pagdinig ngayong Lunes ng House Committee on Good Government and Public Accountability.

Nagtanong si Marcoleta kay Krizle Grace Mago ng Pharmally Pharmaceutical Corp., na nagsabi na na-trauma siya sa kanyang naranasan sa pagdinig ng Senado.

“You are referring to the barrage of questions asked of you it was actually, in my view not an investigation in aid of legislation but it seems to me it was an interrogation similar to the questioning employment by military establishment, law enforcement officers even intelligence agencies or organized crime syndicates, these are the means employed in exacting information by said agencies and groups. Was this the kind of environment that you felt when you testified?” tanong ni Marcoleta.

Sagot naman ni Mago: “At that time yes po your honor.”

Nauna rito ay sumulat si Mago sa Kamara de Representantes upang hilingin na isailalim siya sa protective custody nito para siya ay makapagbigay ng boluntaryo at malayang pahayag.

Humingi ng kumpirmasyon si Marcoleta kung malaya nang makapagbibigay ng pahayag si Mago.

“Mas maayos na po yung pakiramdam ko na sumagot ng mga tanong ngayong your honor,” sabi ni Mago.

Sinabi ni Mago na “pressured response” ang kanyang tugon sa pagdinig ng Senado. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?