312

Apr 1, 2020 @ 19:36
By

Tantanan n’yo si Vico Sotto – Zsa Zsa

Nakiisa na rin ang beteranang aktres at singer na si Zsa Zsa Padilla para idepensa si Pasig City Mayor Vico Sotto laban sa National Bureau of Investigation (NBI).

Nitong Abril 1 pinatawag ng NBI ang alkalde para magpaliwanag sa posibleng paglabag sa Bayanihan Law kaugnay sa pagpayag na makabiyahe ang mga tricycle kahit pa may transportation ban dahil sa enhanced community quarantine.

Ani Zsa Zsa, bakit namimili lang ng ipapatawag ang NBI samantalang ang iba na obvious ang paglabag sa batas ay nakakalusot at hindi man lang napapagsabihan.

Dapat daw tigilan na si Sotto dahil marami pa itong bagay na gagawin.

“Like, seriously? Is it because he makes everyone else look bad at their supposed job?! Unbelievable. Pwede ba kayong magpaka busy sa ibang bagay?! Busy si Mayor. Tantanan nyo naman sya, please! Dami pa nyang gagawin,” tweet ni Zsa Zsa.

“Bakit ganun. Namimili ng ipapatawag. Samantalang yung iba dyan obvious na panlalabag ng batas eh nakalusot at di man lang napagsabihan. Ano ito? Bwisit. Nakakagalit,” dagdag niya.

Nagpaulan din ito ng hashtag na #ProtectVico.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?