1,204
Tanod nakalunok ng buong tilapia, tigok
Jul 4, 2019 @ 19:53
By

Tanod nakalunok ng buong tilapia, tigok

Todas ang isang lalaki nang malunok niya nang buo ang nahuling tilapia sa Bugasong, Antique.

Ayon sa 24-Oras report, kinilala ang biktima na si Roger Marcelino.

Kwento ng anak ng biktima, nakasanayan na ng kanyang ama na ipitin sa bibig nito ang nahuhuling isda sa ilog.

Nagpumiglas umano ang isda hanggang aksidente itong malunok ng lalaki.

Pumanaw habang ginagamot sa ospital si Marcelino na isang barangay tanod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?