29

Sep 24, 2021 @ 16:01

Tanod na umaawat sa nag-aaway patay sa saksak

Utas sa pananaksak ang isang tanod matapos pumagitna sa magkapatid na nag-aaway sa Sta. Barbara, Pangasinan.

Ayon sa ulat ng Balitang Amianan nitong Huwebes, sa dibdib nasaksak si Manny Dela Peña dahilan para agad itong masawi.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pauwi na sana ang 50 anyos na tanod nang maispatan niya si Jeffrey Gloria at utol nito na nag-aaway.

Inawat naman ni Dela Peña ang dalawa dahilan para saksakin siya ng lasing na si Gloria.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?