16
marikina-jail1
By

Tanod kulong sa pagwawala, pananaksak

Sharing is caring!

Kritikal ang isang lalaki matapos saksakin ng nagwawalang lasing na Bantay Bayan member dahil umano sa matagal nang kinikimkim na galit, kamakalawa ng gabi sa Barangay Nangka, Marikina City.

Nakilala ang suspek na si Enrique Fernandez y Alcala, Bantay Bayan member ng Barangay Nangka na nahaharap ngayon sa kasong frustrated homicide at paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa pagdadala ng patalim.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang alas-nuwebe ng gabi sa labas ng bahay ng biktima na si Rolly Garbiro y Lizondra, nasa hustong gulang at residente ng Block 4, Phase 2, Balubad Settlement habang mahimbing na natutulog na umano kasama ang pamilya nang biglang may kumalabog sa labas ng kanilang bahay.

Nang tingnan ay nakita ang lasing na suspek na nagwawala at pilit na binubuksan ang pinto. Agad na tumakbo ang anak ng biktima na si Roy Garbiro sa PCP 5 para humingi ng tulong laban sa nagwawalang suspek.

Ayon sa report, nilapitan ng biktima ang nagwawalang suspek ngunit agad na itong inundayan ng saksak na tinamaan sa ulo.

Dinakip ang suspek habang itinakbo naman ang biktima sa Amang Rodriguez Medical Center.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?