36

By

Tanod, 18 pa dinakma sa droga sa QC

Sharing is caring!

Magkasamang nasadlak sa piitan ang isang barangay tanod at nakatatandang kapatid nito habang 17 pang adik at tulak ng iligal na droga ang naaresto ng mga awtoridad sa Quezon City.

Kinilala ang ilan sa naaresto na si Arturo Albaniel, 46, Barangay Public Safety Officer (BPSO) ng Brgy. UP Campus, at kapatid nitong si Armando Albaniel, 47, kapwa residente ng No. 58 Sto. Niño St., Pook Dagohoy, ng nasabing barangay.

Naareto umano ang magkapatid sa kanilang tahanan dakong alas-10:15 ng gabi noong Hulyo 9, 2018 sa aktong nagsasagawa ng shabu session.

Kasama nila rito sina Alfredo Macabuhay, 40; Michael Miano, 43; Christian De Jesus, 19; Bonifacio Pascua, 36; Charlie James Odulio, 21; Lesley Albaniel, 45; Morris Bondoc, 31, at Elizabeth Cruz, 47.

Nabatid na ang magkapatid na Albaniel ay kabilang sa drug watchlist ng District Intelligence Division ng QCPD.

Nakumpiska sa mag-utol ang tatlong pakete ng shabu, isang bukas na pakete na may bakas din ng droga, at drug paraphernalia.

Samantala, nadakip din sa patuloy na drug operation ng mga operatiba ng QCPD sina Darius Vargas, 18; Jaymar Bravo, 25; Enrique Samson, 46; Jomarie Tiaba, 27; Buddylyn Evaristo, 28; Mark Joseph Hernandez, 25; Jerome Casquejo, 20; Jeffrey Liwanag, 32, at isang 16-anyos na lalaki.

Nakapiit na ang mga naaresto sa QCPD detention cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?