176

By

Tanim puno bago graduate, malaking tulong sa climate change – Alejano

Gagawin nang requirement ang pagtatanim ng nasa 10 puno bago grumadweyt ang mga magtatapos mula elementarya hanggang kolehiyo.

Lusot na sa Kamara ang “Graduation Legacy For the Environment Act” at nasa Senado na.

Ayon sa proponents ng panukala, malaking oportunidad ito sa mga kabataan para makatulong sa climate change at makabuo ng “greener environment” sa kanilang henerasyon.

“To this end, the educational system shall be a locus for propagating ethical and sustainable use of natural resources among the young to ensure the cultivation of a socially-responsible and conscious citizenry,” ayon sa House bill na inakda ni Representative Gary Alejano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?