212

Mar 4, 2020 @ 15:32
By

Tanim-droga kinontra ng Greenhills hostage taker

Pinabulaanan ni Archie Paray, ang nang-hostage sa mall sa Greenhills, na siya’y balak taniman ng iligal na droga ng mga umaresto sa kanya noong Lunes.

Sa isang video kasi na kumalat sa social media ay may nakitang dinukot ang isang naka-sibilyan sa kanyang likurang bulsa at binigay ito sa isang pulis na dumamba kay Paray para arestuhin.

Nilinaw ni Paray na tanging posas lang ang nilagay sa kanya ng mga pulis at wala nang iba pa.

“Sa akin po, ako mismo ang magsabi hindi po ganun. Maaaring na-misinterpret nila or na-mislooking kung ano man yung nilagay nila. Pero ang totoo po nun kinabitan lang po ako ng posas,” ayon sa hostage taker.

“Yung kaso talaga kung ano lang ‘yung totoo, walang labis walang kulang … Walang naka ano doon na nakasampang reklamo sa akin na illegal possession of illegal drugs. Wala,” aniya pa.

Sinagot na rin ni National Capital Region Police Office chief Brig. Gen. Debold Sinas ang mga paratang, at sinabing pulis ang nakasibilyan na nag-abot ng posas sa isa pa nitong kasamahan.

“Let me clarify that the alleged object pulled out from the pocket of the policeman was a handcuff. He pulled out his handcuffs and tried to give it to the arresting officers,” ayon sa pahayag ni Sinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?