76
fire2
By

Tangkang suicide, nauwi sa sunog sa Navotas

Sharing is caring!

Tinatayang 12 bahay ang natupok sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Old Fishport sa Brgy. NBBS, Navotas City Lunes ng gabi.

Ayon sa Navotas Fire Department, nasa 20 pamilya ang nawalan ng tahanan at umaabot sa P300,000 halaga ng ari-arian ang napinsala sa sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Nahirapan ang mga bumbero sa pagpatay sa sunog dahil nagsimula ito sa looban at masikip ang mga iskinita papasok sa lugar.

Ang sunog ay nabatid na nagsimula sa bahay ng isang Pat Valera sa Isda St. pasado 6:00 ng gabi.

Sa kuwento ni NBBS Barangay Chairman Melvin Manalo, isang alyas “Nono” ang nagtangka umanong magpakamatay gamit ang isang kable na sinasabing sumiklab at pinagmulan ng sunog.

Walang nasawi sa sunog pero dalawang residente ang dinala sa ospital matapos na magreklamo na nahirapang huminga.

Tuluyang naapula ang sunog 9:20 ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?