19

Feb 22, 2021 @ 17:50
By

Tangkang pagpapasabog sa Maguindanao napigilan

Napigilan ng mga militar ang tangkang pagpapasabog ng isang improvised explosive device sa Sharif Aguak, Maguindanao.

Ayon kay Western Mindanao Command Chief Lt/Gen. Corleto Vinluan Jr, nakakuha sila ng tip mula sa isang residente at ipinagbigay-alam ito sa 1st mechanized infantry battalion.

Ani 1st Mechanized Battalion Commander Lt/Col. Cresencio Sanchez, gawa sa 81 mm mortar round at dalawang RPG projectile ang nasabing IED.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?