36

By

Tangkang human smuggling sa Bataan napigilan

Sharing is caring!

Nasilo ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI) ang tangkang pagbiyahe ng isang pampasaherong barko lulan ang mga diumano’y biktima ng human smuggling patungong Micronesia.

Nang siyasatin ng mga awtoridad ang barko madaling-araw ng nitong Hulyo 3, 2018 ganap na ala-una ng madaling-araw ay napag-alamang pawang mga undocumented ang mga sakay ng MV Forever Lucky na pag-aari ng Farenheit Company Limited.

Lulan ng nasabing barko na nakadaong sa pantalan ng Orion sa lalawigan ng Bataan ang 139 na mga hindi dokumentadong pasahero.

Nang busisiin naman ng PCG at NBI ang mga papeles ng MV Forever Lucky ay palsipikado at peke ang special permit to navigate nito.

Wala ring maipakitang Certificate of Public Convenience o prangkisa ang kapitan ng Barko.

Pati manifesto ay wala rin ang 139 mga pasahero nito, maging ang ibang rekisito sa operasyon ay walang maipakitang dokumento ang kapitan ng barko.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga kinauukulang ahensiya ang pangyayari para makasuhan ang mga nasa likod ng naturang iligal na aktibidad.

Una nang nakarating ang impormasyon sa National Coast Watch Center sa ilalim ng Office of the President dahilan para ipag-utos sa PCG at NBI ang operasyon. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?