464

Apr 22, 2019 @ 10:34
By

Tangkad sagad! Kai Sotto dinakdakan ang tatay

Nagbubunga na ba ang ang training ni Kai Sotto abroad?

Sa Facebook post ng Theia Sports, ipinamalas ng 7-foot-3 center ang taas ng kanyang lundag sa pamamagitan ng kanyang ama na si Ervin Sotto.

Tinalunan ni Kai ang ama, na dating naglaro sa PBA at may tangkad na 6’7″, at saka dumakdak.

Kasalukuyang nag-eensayo si Kai sa Atlanta para simulan ang kanyang pangarap na makatungtong sa NBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?