138

Jan 30, 2020 @ 18:27
By

Tanggapin ang komunyon sa kamay – CBCP

Maliban sa paghahawak-kamay kapag umaawit ng “Ama Namin”, ipinayo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na huwag na munang magpasubo ng ostiya sa misa kundi maglahad ng mga palad para dito ilagay ang “banal na tinapay” saka isubo sa sarili.

Naglabas ang CBCP ng guidelines para na rin labanan ang pagkalat ng novel coronavirus o 2019-nCoV, na nakumpirma na ang unang kaso sa Pilipinas.

“The communion in the hand (must) be practiced ordinarily to help prevent further fear from people who are reasonably cautious about this matter. [We discourage] our faithful from holding hands during the singing or praying of the ‘Our Father’ and from shaking hands during the Sign of Peace,” ani Fr. Marvin Mejia, CBCP Secretary General.

Inabisuhan din ng CBCP ang mga simbahan na regular na magpalit ng holy water sa mga font.

Samantala, nag-isyu na rin ng “Oratio Imperata” o mandatory prayer para sa mga pasyenteng infected ng nCoV.

Isasagawa ito tuwing weekdays at Sunday mass matapos ang Holy Communion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?