28

Aug 6, 2020 @ 17:24
By

Tanggap ang LGBT: Kris magaling na nanay, Bimby puring-puri

Ayon sa mga netizen, magaling magpalaki ng anak si Kris Aquino.

Nasaksihan kasi ng madla ang pag-uusap nina Kris at anak na si Bimby, sa December 2017 home tour video ng nauna sa kanyang YouTube channel.

Nagkomento ang mag-ina tungkol sa kuro-kuro ng madla na homosexual ang anak ng Queen of All Media.

“Don’t be homophobic, right? That’s the whole message. And whatever your choice is in life, that’s your choice,” sey ni Kris, na tungkol sa mga tao na may sobrang takot o poot sa mga homosexual.

“Yeah. Why would you judge a child? We’re still learning about ourselves and puberty hasn’t struck for me yet,” tugon naman ni Bimby, 10 taong gulang nang kinuhanan ang video.

Tumango naman si Kris at napangiti sa sinabi ng anak.

Ngayong 2020, shinare uli ng mga netizen ang video clip at pinag-usapan sa Twitterverse.

Sabi pa nila, ang open-minded ni Bimby, na hindi karaniwan sa konserbatibong bansa gaya ng ‘Pinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?