16

Nov 10, 2021 @ 15:32
By

Tanggal face shield suportado sa Kamara

Inulit ni House Speaker Lord Allan Jay Velasco ang kanyang panawagan na ibasura na ang polisiya para sa mandatory na pagsusuot ng face shield.

Sinabi ni Velasco na batay sa pag-aaral ng physician-researchers ng Wayne State University School of Medicine ay halos walang maidadagdag na proteksyon ang pagsusuot ng face shield.

“There are still no solid medical and scientific proof that face shields are effective deterrents to the spread of the deadly COVID-19,” sabi ni Velasco.

Sa pag-aaral naman umano sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID) lumalabas na epektibo ang face shield laban sa talsik ng dugo o likido pero walang proteksyon laban sa respiratory aerosol na daan para mahawa ng coronavirus.

Dagdag gastos lang din umano ang face shield na dumadagdag lang sa polusyon.

“The cost of a face shield of about P20 to P50 is already a substantial amount equivalent to the cost of a meal for our indigent population, and mandatory requirement of the same takes away money for food from these families,” sabi ni Velasco.

Nauna rito ay nagpalabas sina Davao City Mayor Sara Duterte at Manila Mayor Isko Moreno ng magkahiwalay na Executive Order para maging boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?