13

Tangayin sana ng baha ang smuggled shabu – Lacson

Sharing is caring!

Habang nagdarasal para sa kaligtasan ng mga Filipino mula sa masamang panahon, ipinagdasal na rin ni Senador Panfilo Lacson na maanod ng baha ang halos isang tonelada ng shabu na nailusot sa Manila International Container Port (MICP).

“My early morning prayer today: God Almighty, keep the people in low-lying areas safe from the floods; sana, inanod ng baha ang isang toneladang shabu na naipuslit sa Bureau of Customs,” sabi ni Lacson sa kaniyang Twitter account.

Tinutukoy ng senador ang may P6.8 bilyong halaga ng shabu na naipuslit sa bansa ng Taiwanese drug syndicate.

Hindi nakumpiska ng mga awtoridad ang shabu.

Nakita na lang sa isang bodega sa General Mariano Alvarez sa Cavite nitong Mierkules ang apat na magnetic scrap lifters.

Ang pinagsiksikan ng shabu ay tulad ng ginamit sa container ng shabu na nasabat sa MICP noong Martes kung saan may 500 kilo ng shabu ang nakumpiska, tinatayang nagkakahalaga ng P4.3 bilyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?