10

By

Tang, CSB Blazers ayaw pakampante

Sharing is caring!

Hindi dapat magkumpiyansa kahit maganda ang ipinapakita ng College of Saint Benilde Blazers.

Ayon kay coach TY Tang, dapat ay manatili silang agresibo sa mga susunod pang laban upang mapanatili ang magandang pakita ng kanyang tropa.

Sunod na makakasagupa ng Blazers, may kartang 7-3, ang San Sebastian College – Recoletos Stags (2-9) sa darating na Martes.

“We can’t be complacent on that game, at the same time we lose to them in the first round. We can’t take it for granted na laruin lang namin ‘yun,” ani Tang.

Sinabi din nito na ang kanilang ginagawa ay hindi para may mapatunayan sila bagkus ito raw ay hakbang para makakuha ng panalo at mas pagtuunan ng pansin ang kanilang mga makakaharap.

“Kasi if you check on the record, we’re right now there, up there. There’s nothing really to prove anymore in terms if we can compete,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?