tanduay-rhum
By

Tanduay ng PH, pinataob ang Bacardi bilang world’s no. 1 rum

Sharing is caring!

Sa kauna-unahang pagkakataon, itinanghal na top-selling rum ang Philippine-made liquor brand sa buong mundo.

Ayon kay Bong Tan, presidente at chief executive officer ng Tanduay Distillers, Inc., No. 1 best-selling rum na sa buong mundo ang Tanduay at nailampaso na ang Bacardi, batay sa global spirits think tank na Drinks International.

Pumangalawa na lang sa listahan ang Bacardi habang ikatlo ang McDowell’s No.1 Celebration.

“Our distinctly Filipino rum is now the world’s number one. We have a great product to offer the world and the world recognized it,” ani Tan.

Ito umano ay matapos ang matagumpay na pagpasok ng nabanggit na alak sa US market.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?