182

Sep 26, 2019 @ 14:34
By

Tandem ni Baron, Madayag na ‘BaYag’ kinaaliwan

Rivals noon, teammates na ngayon sina veteran middle blocker Maddie Madayag at Majoy Baron na lumaro para sa national team sa ASEAN Grand Prix sa Thailand.

Kilala na mahigpit na magkaribal ang dalawa, si Madayag para sa Ateneo at Baron ng La Salle, ngunit maganda ang kanilang pinakitang pagsasama at performance sa Thailand stint kaya naman tinawag ang kanilang tandem ng mga fan na #BaYag.

“Bayag,” sabi ni Madayag nitong Miyerkoles sa pagbabalik nito sa Choco Mucho Flying Titans. “Pinag-usapan nga namin ni Majoy yun kasi may nag-issue yung mga fans na B*yag daw since UAAP pa. Sabi ko, ‘Majoy alam mo ba na tawag sa atin B*yag?’”

“Yun nga tawang-tawa kami. Wala lang inaasar na lang namin every day,” kwento pa niya.

Samantala, nagagalak rin si Madayag na napabilang ito sa national team, na nag-uwi ng bronze medal sa first leg ng torneo.

“I was very lucky na ipinasok ako ni coach Shaq (Delos Santos) kasi nga bago pa rin ako sa sistema nya,” saad nito. “I’m just happy na nakapag-adjust naman ako ng maayos sa system niya.”

Gaganapin naman ang second leg ng torneo sa Oct. 4-6 sa Sta. Rosa, Laguna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?