32

By

Tandem humarurot sa checkpoint, 1 tumba sa pulis

Sharing is caring!

Nasawi ang isang lalaki matapos umano nitong makipagbarilan sa mga pulis na humabol sa kanila nang takbuhan ang checkpoint sa Barangay 201 sa Pasay City.

Ayon sa inisyal na ulat, pinara at sinita ang lalaking angkas ng isang motorsiklo pero sa halip na maki-koordinasyon at tumigil ay nilampasan nila ang mga pulis kaya sila hinabol.

Sa gitna ng habulan, nagpaputok ang sakay ng motor dahilan para gumanti ng putok ang pulisya.

Nasawi ang sakay ng motor na ‘di pa batid ang pagkakakilanlan habang nakatakas ang kasama nito.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan hinggil sa insidente. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?