1,208
views

By

Tanauan Mayor Halili sangkot sa droga – Duterte

Sharing is caring!

Tahasang idinawit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinatay na si Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili sa illegal drug trade.

Sa kanyang talumpati sa 58th founding anniversary ng Southern Leyte na ginanap sa Maasin City, sinabi ng Pangulo na front lamang ni Halili ang shame campaign nito na nagpaparada ng mga nahuhuling drug addict sa kanyang lugar.

Sinabi ng Pangulo na si Halili ay sangkot sa iligal na droga.

Gayunman, sinabi ng Presidente na hindi niya alam at wala pa siyang impormasyon kung sino ang pumatay at kung sino ang mastermind sa pagpatay sa alkalde.

“Kanina si Halili sa Batangas. Pakunwari malana, kunyari itong mga addict, iyang gipa-procession, siya mana, siya ‘yun. Kanina, patay. Ambot ug kinsay ga-patay, pero giingnan tamo, ayaw lagi, ayaw gyud,” anang Pangulo sa salitang Bisaya.

Ang pagpatay kay Mayor Halili ay itinaon sa flag-raising ceremony sa harapan ng munisipyo at hindi pa natatapos ang national anthem ay binaril na ang alkalde.

Matatandaang noong Nobyembre 2017 ay tinanggalan ng deputization ng National Police Commission si Halili dahil sa pangkakasama ng kanyang pangalan sa narcolist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?