432

By

Tanauan Mayor Antonio Halili patay sa pamamaril

Sharing is caring!

Dead on arrival sa CP Reyes Medical Center sa Batangas si Tanauan City Mayor Antonio Halili makaraang pagbabarilin sa New City Hall sa Brgy. Natatas, Tanauan City kaninang umaga.

Ayon kay PNP CALABARZON Regional Director Police Chief Supt. Edwin Carranza, alas-8:10 ng umaga habang nagsasagawa ng flag-raising ceremony ang mga opisyal at empleyado ng Tanauan City Hall kasama ang alkalde nang biglang pagbabarilin ang biktima.

Batay sa inisyal na impormasyon may silencer ang ginamit na baril sa pagpatay sa biktima na tumagos sa kanyang dibdib.

Idineklara itong dead on arrival sa ospital kaninang alas-8:45 ng umaga.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon at manhunt operation sa mga responsable sa krimen.

Si Mayor Halili ang alkalde sa Batangas na nagpapatupad ng “Walk of Shame” sa mga naaarestong drug personalities. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?