70
Daiki Tanaka Japan Gilas Pilipinas
Feb 24, 2018 @ 17:21
By

Tanaka gigil-resbak kontra Gilas

Gigil si Japan star guard Daiki Tanaka na makaresbak sa Gilas Pilipinas sa window 2 ng 2019 FIBA Cup Asian Qualifiers.

Dadayo ng MOA Arena ngayon, Feb. 25, ang Akatsuki Five para hamunin ang Filipinos.

Hindi naipagtanggol ng Japanese ang home turf nang sagasaan ng Gilas 77-71 sa window 1 noong Nov. 24.

Nasa isip pa rin ng 6-foot-4 guard na malaki ang tsansa nilang manalo sa unang laro, hindi lang nakadiskarte ng maayos.

“Though our coaches told us the points to keep in mind, in some situations, we couldn’t make good plays,” suma ni Tanaka. “We let Philippines score when we shouldn’t have, and we couldn’t score when we should have.”

Noong Feb. 22 sa Yokohama ay nasilat din ang Japan sa Chinese Taipei 70-69. Ang Japanese na lang ang walang panalo sa tatlong laro sa Group B, angat sa 1-2 ang mga Taiwanese.

Desidido si Tanaka na sabayan ang lider nila sa opensang si Makoto Hiejima, binalikat ang atake ng Japan sa third quarter nang umahon mula 14-point hole para agawin ang manibela sa Filipinos. Tumapos si Hiejima ng 20 points sa laro.

“The one who can play aggressively in offense needs to lead the team, and I know I am responsible for that,” dagdag ni Tanaka. “We were too soft in the last game against the Philippines, so we will definitely need to start the game more aggressively. I am sure we have a chance.”

Sa edad 26, isa si Tanaka sa ikinukonsidera ni coach Julio Lamas na pinaka-eksperiyensado at maaasahang international players ng Japan kaya kailangang ilabas ang liderato nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?