17

By

Tan, PH bowling palaban sa SEAG

Pangungunahan ni Merwin Tan ang walong Pilipino bowler na kakasa sa 30th Southeast Asian Games 2019 na pagkakabalahan ng bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Kumpiyansa si 20-year-old Tan na magiging maganda ang performance ng team upang bigyan muli ng karangalan ang bansa.

Nasilo ni Tan ang singles title sa 20th Asian Youth Tenpin Bowling Championships nitong Abril, makakasama niya sa pagwagayway ng bandila ng Pilipinas sina Ken Chua, Frederick Ong, Patrick Nuqui, Bea Hernandez, Lara Posadas-Wong, Alexis Sy at veteran Liza del Rosario.

Mula sa 12 pool male at female bowlers namili ng ipanlalaban sa nasabing biennial meet na ilalarga sa Starmall Bowling Center sa Mandaluyong City.

“I am determined to do my best in the upcoming Southeast Asian Games,” sabi ni Tan na kinalawit din ang gold medal sa PBF-Philippine International Open Tenpin Bowling Championships nitong Hunyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,