8

By

Tan, Liberato magkatuwang sa Arellano

Sharing is caring!

Sinungkit ng Arellano University Chiefs ang ikalawa nitong panalo sa men’s volleyball ng NCAA 94.

Winalis ng Arellano sa tatlong sets ang San Sebastian College-Recoletos Stags, 25-15, 25-18, 25-22, Huwebes sa The Arena sa San Juan.

Hinampas ni Kim Tan ang 15 puntos habang bumakas naman ng 11 puntos si Jesrael Liberato, 10 puntos din ang ayuda ni Jethro Cabillan.

Nakadikit sa huling set ang Stags 24-22 pero sadyang maganda ang nilaro ng Chiefs at tuluyan nang naselyuhan ang panalo.

Nanguna para sa San Sebastian sina Kince Sanchez at Robbie Pamittan na may tig-anim na puntos.

Sa isa pang laro, nasungkit din ng Emilio Aguinaldo College Generals ang ikalawa nitong panalo.

Pinadapa ng Generals ang San Beda Red Lions sa loob ng tatlong sets, 29-27, 25-19, 25-21, sa pangunguna ni Joshua Mina na may 20 puntos.

Umayuda rin sa Generals si Joshua Ramilo na may 16 puntos at 10 puntos naman ang tinarak ni Aeron Daduya.

Kulelat sa team standing ang San Beda na bitbit ang 1-3 na karta. (Fergus E. Josue

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }