1,532

By

Tampo ni Roque, mala-telenovela – Andanar

Sharing is caring!

Inihalintulad ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa telenovela ang tila pagtatampo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa hindi ipinaalam sa kanya na pagtungo sa ospital ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakalipas na linggo.

Kasunod na rin ito ng iniabisong pagbakasyon muna sa trabaho ni Roque subalit pagdating sa cabinet meeting kagabi ay dumalo naman ito.

Sinabi ni Andanar na tinanong niya si Executive Secretary Salvador Medialdea kung nakabakasyon nga si Roque pero wala aniyang official letter na magli-leave ito.

“Ako mismo nagulat na nag-leave of absence si Harry. Tinawagan ko si Executive secretary Bingbong at tinanong ko siya, eh wala naman daw natanggap na official letter na magli-leave of absence si Harry, therefore hindi ito opisyal,” ani Andanar.

Sinabi ng kalihim na kinausap niya sa cabinet meeting kagabi si Roque dahil magkatabi sila ng upuan at pinayuhang mag-press briefing.

Sinagot lamang aniya ito ni Roque na ayaw niyang magmukhang walang silbi dahil mawawalan siya ng kredibilidad sa publiko.

“Kinausap ko siya, magkatabi kami sa cabinet meeting. Mag-press briefing ka na. Tama na iyang tampo mo,” dagdag pa ni Andanar.

Nag-usap aniya sina Roque at Pangulong Duterte pero hindi niya alam ang detalye at resulta ng kanilang naging pag-uusap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?