46

Nov 19, 2021 @ 16:45
By

Tambalang Marcos-Duterte nanguna sa Publicus Asia survey

Sa isinagawang survey ng Publicus Asia, ang tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang nanguna sa presidential at vice presidential pick bago ang halalan 2022.

Isinagawa ang survey nitong Nobyembre 16 hanggang 18 na may 1,500 respondents sa tinatayang 200,000 registered voters sa bansa.

Sa lumabas na resulta para sa pagkapangulo, nanguna si Marcos na may 56.7 porsiyento, habang nasa ikalawa si Vice President Leni Robredo, pumapangatlo si Mayor Isko Moreno, at pang-apat si Senator Christopher “Bong” Go.

Humigit-kumulang 80 porsyento ng mga respondent na pumili kay Marcos ay sinasabing matatag sila sa kanilang desisyon.

Samantala, nanguna naman sa pagka-bise presidente si Sara Duterte na may 54.4 porsiyentong boto.

Pantay naman sa ikalawa sina Senate President Vincente “Tito” Sotto at Senator Francis “Kiko” Pangilinan, at nasa ikatlo si Willie “Doc Willie” Ong.

Bukod dito, humigit-kumulang 42 porsiyento ng mga respondent ang pumili sa Marcos-Duterte tandem.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?