330
abante-tnt-vismin-janella-jameson
May 22, 2018 @ 19:11
By

Tambalang Janella at Jameson, malakas ang chemistry

No offence meant! Pero maganda ang feedback sa first team-up nina Janella Salvador at Jameson Blake sa pelikulang “So Connected” na ipalalabas na simula bukas, Wednesday, May 23.

Napaka-positibo ng pagtanggap ng press sa pelikula at sa tambalan nina Janella at Jameson sa ipinatawag na special screening nu’ng Lunes ng hapon sa Gateway Platinum Cinema.

Kahit hindi magkalabtim sina Janella (gumaganap bilang Trisha) at Jameson (bilang Karter) sa “So Connected” ni Direk Jason Paul Laxamana, mapi-feel mo ‘yung chemistry ng dalawa. The movie itself is very relatable.

Agree ang majority ng press who were present at the special press preview na hindi kailangan ang love team to be able to come-up with a ‘kilig’ film. Janella and Jameson are so convincing as millenial lovers kahit hindi sila magkasintahan sa totoong buhay or magka-love team for that matter.

Mother Lily and Roselle- including Direk Jason- should be commended na sinugalan ang dalawang Kapamilya stars sa pelikula. It’s a film that is worth your time and money.

“So Connected” also stars Paulo Angeles, Chai Fonacier, Krystal Brimmer, at marami pang iba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?