41

Nov 6, 2017 @ 10:40

Tamaraws buhay pa sa F4

Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
2:00 p.m. – FEU vs NU
4:00 p.m. – Ateneo vs UP

Itinodo ng FEU ang gasolina sa fourth quarter para kalusin ang UE 79-63 at palakasin ang tsansa sa Final Four ng 80th UAAP basketball.

Nagtulungan sina Jasper Parker, Arvin Tolentino at Prince Orizu sa homestretch para ipreserba ang panalo ng Tamaraws sa Smart Araneta Coliseum kahapon.

Nasa No. 4 ang Morayta-based squad FEU kapit ang 6-6 karta, ayon kay coach Olsen Racela ay magandang buwelo ang panalo para sa huling dalawang laro sa 14-game elimination round.

“This is a good confidence-booster for us going into the home-stretch,” ani Racela, na sumandal din sa mahigpit na depensa nina Richard Escoto, Orizu at Ron Dennison.

Kumana si first-year point guard Parker­ ng career-best 18 points at eight assists, nag-ambag sina Orizu at Tolentino ng 14 at 10 markers.

Kinumpleto ni Tolentino ang bihirang four-point play para ilayo ang Tams sa double-digits 70-57 may 3:27 minuto na lang sa payoff period.

Laglag na ngayong season ang Red Warriors (3-10), pinangunahan ng 18 points ni Alvin Pasaol.

Sunod sa Tamaraws ang naghihingalong NU (4-8). (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?