By

Tamang pasahod sa Nobyembre 30, pinaalala ng DOLE

Sharing is caring!

Tatanggap ng double pay ang mga manggagawa na papasok sa trabaho sa Nobyembre 30, Bonifacio Day na idineklarang regular holiday.

Ipinaalala ito ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa inisyung Labor Advisory ni Secretary Silvestre Bello kaugnay ng tamang pasahod na ipatutupad sa nabanggit na araw.

Ang Araw ni Bonifacio ay taon-taong ginugunita bilang paggalang sa pinuno ng Katipunan na isinilang noong Nobyembre 30, 1863.

Kaugnay nito, sa ilalim ng Labor Advisory No. 10, Series of 2017, paiiralin ang sumusunod na panuntunan:

– Kung ang manggagawa ay hindi nagtrabaho, tatanggap pa rin siya ng 100 percent ng kanyang suweldo para sa nabanggit na araw;

– Kapag pumasok naman ang manggagawa, tatanggap siya ng 200 percent ng kanyang arawang suweldo;

– Kapag nag-overtime naman, tatanggap ang empleyado ng karagdagang 30 percent ng kanyang hourly rate para sa nabanggit na araw;

– Kapag natiyempo namang rest day ng manggagawa pero siya ay pumasok sa trabaho, tatanggap siya ng karagdagang 30 percent ng kanyang 200 percent daily rate at kapag nag-overtime naman sa panahon ng kanyang day-off, tatanggap siya ng karagdagang 30 percent ng kanyang suweldo para sa nabanggit na araw. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?