16

Jul 13, 2021 @ 17:17
By

Tamang BMI para ma-promote ‘di muna ipapatupad sa PNP

Sinuspinde ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng panuntunang kailangang maabot ng isang pulis ang isang target na BMI bago ma-promote sa posisyon.

Aprubado na umano ito ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar.

Noong nakaraang buwan pa umano iminungkahi ng PNP Directorate for Personnel Records Management (DPRM) ang pagsususpinde ng polisiya dahil sa pandemya.

Ayon sa mungkahi ng DPRM, dahil sa COVID ay marami pa ring physical activity ang ipinagbabawal kaya’t mahihirapan umano ang mga pulis na sumunod sa panuntunan.

“Pursuant to our mandate of ‘Personnel Welfare is Above All’, this Directorate respectfully recommends the suspension of the implementation of BMI as a requirement for promotion amidst the Covid-19 pandemic and the conduct of review of the policy to address both the concern of the organization and the welfare of our personnel. Apart from it, personnel who are assigned in the lower units are struggling from achieving the same due to the work schedule in the exigency of the service and the fight against Covid-19,” pahayag ni DPRM chief. Maj. Gen Rolando Hinanay sa isang memorandum para kay Eleazar noong Hunyo.

Disyembre 2020 nang isabatas sa PNP ang pagkakaroon ng ideal na BMI para ma-promote sa pwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?