537

May 13, 2021 @ 15:07
By

Tamad daw na estudyante? Mikee Quintos pinulutan ng mga netizen

Nakaladkad ang pangalan ni Mikee Quintos dahil sa lumutang na ilang post sa isang Facebook page ang umano’y mga kinainis ng ilang naging kaklase niya sa UST.

Sa UST Freedom Wall, mababasa ang isang padala ng anonymous sender kung saan naka-partner niya umano ang isang aktres para sa research paper.

Ayon sa sender, hinintay niyang ipadala ng aktres ang mga part nito para sa kanilang assignment, ngunit alas-4 ng madaling-araw na daw ito naipadala.

Dahilan daw ni actress, nasa spa raw kasi siya kaya late na napadala kahit pa alas-7 ng umaga ang submission.

“TAPOS NAGSEND NGA SIYA pero copy paste iba iba pa font at size ng sinend niya, di pa relate sa topic… MAY MAIPASA LANG TEH? BUTI MAGANDA KA,” ayon pa sa post.

https://www.facebook.com/USTFreedomWall/posts/893967641363435

Nang ipe-present na raw ang kanilang research paper ay mag-isa pa siyang sumalang dahil absent daw si actress, at nagdahilan na lang siya na masama raw ang pakiramdam nito.

Clue ng sender, GMA artist daw ang aktres.

Hindi nabanggit ang pangalan ni Mikee sa unang post, ngunit isang sender muli ang nag-name drop na sa pangalan niya.

“Mikee tulong ka naman daw minsan sis ‘wag puro showbiz,” saad sa isa pang Facebook post.

Si Mikee ay estudyante ng BS Architecture sa University of Santo Tomas, at wala pa siyang reaksyon sa mga naturang paratang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?