57

Nov 25, 2021 @ 15:19
By

Tamad daw? Kyle Echarri hindi tumutulong sa gawaing bahay

Nag-viral sa Twitter ang pagkakanominado ni Kyle Echarri para mapalabas ng Pinoy Big Brother House dahil umano sa pagiging tamad nito.

Sa naganap na nomination night, nagsumbong si Samantha Bernardo kay Kuya na hindi ito tumutulong sa gawaing bahay.

Tinuruan daw ni Sam itong magsaing ngunit hindi pa rin ito ginagawa ni Kyle.

“One point si Kyle. Tinuruan ko na po siya na magsaing, hindi pa rin po siya tumutulong sa gawaing bahay,” ani Sam.

Dinepensahan naman ito ng kaniyang ina na si Marie Echarri, at sinabing hindi perpekto ang anak kagaya ng iba.

Sa Instagram post ng ina, para sa kanila daw ay sapat na ang anak.

“Don’t fret, no matter how misunderstood, criticized and denigrated, those of us who knows you & sees the good in you are here to continue reminding you that you are loved. You are not perfect but to us you are enough. BBS KYLE,” ani Marie.

https://www.instagram.com/p/CWjzfWxB-eK/?utm_medium=copy_link

Magkakasunod pa ang post nito tungkol sa kaniyang anak.

https://www.instagram.com/p/CWpC-ZthJoF/?utm_medium=copy_link

https://www.instagram.com/p/CWrqoPxgJbl/?utm_medium=copy_link

https://www.instagram.com/p/CWmXH_sBcot/?utm_medium=copy_link

(Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?