338

Dec 9, 2019 @ 15:20
By

Tama si Steve Harvey! Gazini panalo sa ‘Best National Costume’

Tama naman pala si Miss Universe host Steve Harvey sa “Best National Costume” category: ang nagwagi ay si Miss Philippines Gazini Ganados at hindi si Miss Malaysia Shweta Sekhon.

Matatandaang sa live telecast ng pageant kaninang umaga, nalito ang mga manonood matapos ianunsiyo ni Steve na nanalo si Gazini, ngunit ang katabi ng host–at ang tumanggap ng parangal–ay si Shweta.

Saad ng national costume designer ni Gazini na si Cary Santiago:

“I created a national costume that is somehow worthy for an international event. I took my inspiration from our national bird. The design is not as flamboyant but the details are very intricate. Its hand-stitched all coming from the same fabric with my signature laser cut patterns.”

Naiinis na tanong ng mga Pinoy netizen: Pampalubag-loob ba ito dahil Top 20 finalist si Gazini?

Matatandaang nadamay din ang Pilipinas sa kalituhang naganap sa 2015 Miss Universe, kung kailan host din si Harvey.

Nagkamali noon si Harvey at sinabi niyang ang nagwagi ng korona ay si Miss Colombia Ariadna Gutierrez, na dapat ay si Miss Philippines Pia Wurtzbach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?