29

Apr 7, 2020 @ 15:32
By

Tama si Gary V! Mga lider imbes sisihin, ipagdasal – mga netizen

Sang-ayon ang maraming netizen sa pahayag ng beteranong singer na si Gary Valenciano na marami mang binabatong kritisismo kapag nagsasalita si Pangulong Rodrigo Duterte ay ang susundin niya lang ang gusto ng kanyang Diyos: iyon ay ang ipagdasal ang Presidente.

“To our president, President Rodrigo Duterte, there are so many opinions after each time you speak, but I choose to look over all that’s said and simply follow what I know my God wants me to do; and that is to keep you covered in prayer. God bless you sir…God bless us all,” tweet ni Valenciano nitong April 7.

Ani @Cheppie10, tama aniya si Valenciano singer na imbes na sisihin ang mga lider ay dapat ipagdasal ang mga ito.

“Gary V is right. God wants us to pray for our leaders instead of blaming and cursing them,” saad ni @Cheppie10.

Gayundin si @WeHealAsOne: “Thank you Sir Gary V for the inspiring words. In this trying times, all we need are prayers. Truly the most powerful weapon against this pandemic. #WeHealAsOne

@GaryValenciano1.”

“This positive tweet of Gary V. is giving us hope that despite of all the criticism our President is recieving from different ARTISTA still there he is making us feel that dili tanan parehas ka close minded sa ilaha nga puro negative ra ang makita sa administrasyon karon,” sabi naman ni @DeoThessa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?