148
Leni-Robredo
Dec 13, 2017 @ 9:23
By

Tama na ang turuan sa Dengvaxia controversy – VP Leni

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na tigilan na ang turuan at sisihan hinggil sa mainit ngayong usapin sa Dengvaxia dulot ng pinangangambahang epekto ng mga tinurukan nito.

Ayon kay Robredo, tama lamang na imbestigahan ito para alamin ang puno’t dulo at parusahan ang nagkasala ngunit tila may isang bagay na nakaligtaan o nakalimutan na siyang isa pa sa dapat na pagtuunan ng pansin.

Sinabi ni Robredo, sa takbo ng imbestigasyon ukol sa usapin ay tila nakatuon lamang sa pagtuturuan kung sino ang dapat managot at tuluyan nang nakalimutan ang isa pang mahalagang bagay.

Partikukar na tinukoy ni Robredo na dapat pagtuunan ng pansin rin ay ang sinasabing 10% mula sa 700,000 mga bata na nakabukahan na sinasabing mayroong masamang epekto.

Sa halip na magturuan, ay dapat matukoy ang sinasabing 10% na nabakunahan at kung ano ang ginagawa para matugunan ang pinangangambahang epekto.

“Mayroon kasing isang bahagi nito na nakakaligtaan, parang iyong datos, sinasabi na doon sa mga 700,000 na mga bata na na-vaccinate, mga 10% doon may aasahan tayong adverse effects. Iyong tanong ko po ngayon, na-identify na ba natin iyong 10% na iyon, at ano iyong ginagawa natin para siguruhin at para ma-arrest o magamot iyong mga adverse effect ng vaccination? Ngayon kasi, nakatutok lahat sa finger-pointing pero nakakalimutan iyong mga batang maaaring may maramdaman na hindi maganda dahil sila ay tumanggap noong bakuna,” dagdag ni Robredo. (Eralyn Corvera-Prado)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?