104

By

Tama ang desisyon ko na lumipat – Dave Ildefonso kay Tab Baldwin

Sharing is caring!

Sa pagharap ni ngayo’y National University stalwart Dave Ildefonso sa eskuwelahang kanyang unang pinaglaruan, tila may namuong iringan sa pagitan niya at ng Ateneo coach Tab Baldwin.

Mayroong isang mensahe si Ateneo de Manila University head coach Tab Baldwin para kay Dave Ildefonso, matapos nilang talunin ang National University, 72-46, nitong Sabado, Setyembre 22.

Dating standout ng Ateneo high school si Ildefonso ngunit lumipat siya sa NU para samahang ang kanyang kapatid na si Shaun at ang tatay niya si Danny, na nagsisilbing assistant coach.

“Dave, as everybody knows, was a very valued recruit for Ateneo, and we ended up not getting him,” ani Baldwin pagkatapos ng laban.

“We wanted Dave to rethink that decision, or perhaps, wonder why he made that decision and we want the next recruit, who is in that position, to remember that,” dagdag pa nito.

Ngunit para kay Dave, tama ang kanyang desisyon na lumipat at maglaro para sa Bulldogs.

“Well, I don’t think I made the wrong decision in switching schools. Whatever statement they are sending me, I didn’t get it,” ani ng nakababatang Ildefonso.

Nakalaban din ni Dave ang kanyang batchmate sa Ateneo na si SJ Belangel, na naglaro sa kauna-unahang pagkakataon sa college.

“Kung si SJ limited minutes, kung nag stay ako doon, mas na ako, mas limited. I think I made the right decision. Coach Tab, right decision, see you soon,” dagdag ni Dave.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?