6

Sep 17, 2020 @ 15:15
By

‘Talong Festival’ sa Pangasinan kanselado sa COVID-19

Kinansela muna ang tradisyunal na “Talong Festival” sa lalawigan ng Pangasinan kasama na ang iba pang aktibidad nito dahil sa banta ng coronavirus disease 2019.

Sa pamamagitan ito ng inilabas na executive order (EO) ni Mayor Nonato Abrenica noong Sept.15.

“The World Health Organization has stated that the end of this health pandemic is nowhere near and the earliest time that a reliable vaccine can be had is at the latter part of 2021,” saad ni Abrenica.

Paglilinaw ni Abrenica, hindi sakop ng inilabas niyang EO ang simbahan at iba pang religious activity sa gagawing paggunita sa kapistahan ni St. Anthony Abbot.

Kailangan lang sumunod sa mga health protocol gaya ng 50 percent capacity sa transportasyon at pagsusuot ng face mask at face shield.

Isang dekada na ang nakalipas nang ipakilala ni Abrenica ang “Talong Festival”.

Layon nitong ipagmalaki ang mga naaning gulay ng Villasis, Pangasinan, na karamihan ay mga sangkap sa popular na ulam na pinakbet.

Isa sa aktibidad sa “Talong Festival” ang “Pinakbet sa Kawa” kung saan 21 barangay ang magtatagisan sa pagluluto ng sarili nilang bersiyon ng pinakbet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?