46

Jan 24, 2021 @ 16:25
By

Talo aabutin kapag nang-iwan sa ere! Khabib nagpatama kay McGregor

Hindi pa rin natatapos ang hidwaan sa pagitan nina Conor McGregor at Khabib Nurmagomedov.

Ito’y matapos na magpatama ang ‘retiradong’ UFC lightweight champion sa Irish matapos itong matalo kontra kay Dustin Poirier sa UFC 257.

Ngitngit ni Khabib, uuwing talunan ang sinumang nang-iwan ng kanyang sparring partner, na naging tulay para maging kampeon si McGregor.

Bago ang laban kay Poirier, matagal nagpahinga si McGregor sa MMA kung saan huli niyang laban ay kontra kay Donald Cerrone noong January 2020.

Pumasok din si McGregor sa mundo ng boksing kung saan giniba siya ni Floyd Mayweather via 10th round TKO.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?