7
dragonboat1
By

Talledo, Pantaleon sumagwan ng silver

Sharing is caring!

Nakasungkit agad ng silver medal ang Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) sa paunang mixed event ng two-in-one 2018 Asian Dragonboat Championships at Bitan International Open sa Taipei, Taiwan.

Napagpasyahan ng PCKDF na sumabak sa mixed competition ng Bitan International Dragonboat Open sa asam na masubukan at mai-expose sa malaking torneo ang mga bagitong paddler tulad ng 15-anyos na si Christian Mae Talledo mula sa Davao at Robert Pantaleon mula Palawan.

‘Di nasayang ang pagsali ng tropa matapos nagbalikatan sa unang pagkakataon sa pagtala ng 47.963 segundo para sa silver sa likod ng nagwaging Myanmar na isinakay ang mga beterano miyembro sa paglista ng 46.985 segundo para sa gold.

Nakatakdang sumabak habang isinusulat ang ito ang Philippine men and women’s dragonboat team sa 500m small boat o ang 5 A-side event sa importanteng 2018 Asian Dragonboat Championships na siyang pagbabasehan kung kukuwalipika sa 18th Indonesia Asian Games.

Nakatakda ang 500 men heat 1 elimination ganap na 9:30 ng umaga kung saan makakasagupa ng Pilipinas ang Japan, India at Singapore para sa unang dalawang puwesto na uusad patungong semifinals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?