37

By

Tallado, mananatiling gobernador ng Camarines Norte

Mananatili sa puwesto bilang gobernador ng Camarines Norte si Edgardo Tallado matapos paboran ng Korte Suprema ang petisyon nito sa Comelec resolution na nagdi-disqualify sa kanyang kandidatura noong halalan ng Mayo.

Sa botong 8-6 sa en banc session noong Setyembre 10, kinatigan ng Kataas-Taasang Hukuman ang petisyon ni Tallado na ibasura ang resolusyon ng Comelec na i-disqualify ang kanyang kandidatura.

Magugunita noong bago ang araw ng halalan, naglabas ng Status Quo Ante Order ang Korte Suprema para pigilin ang pagpapatupad ng disqualification kay Tallado dahil tapos na umano niya ang kanyang tatlong termino.

Subalit ikinatuwiran ni Tallado na hindi niya nabuo ang dalawa niyang termino bilang gobernador dahil sa magkahiwalay na suspensiyon na ipinataw ng Ombudsman at Department of Interior and Local Government sa kanya.

Kabilang sa walong bumoto para ipawalang-bisa ang disqualification ng Comelec kay Tallado sina Chief Justice Lucas Bersamin na siyang sumulat sa desisyon, Justices Diosdado Peralta, Alexander Gesmundo, Andres Reyes Jr., Jose Reyes Jr., Amy Lazaro-Javier, Henry Jean Paul Inting at Rodil Zalameda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?