72

Feb 28, 2018 @ 22:08
By

Talk ‘N Text buhay pa sa playoffs

Maganda ang naging pagbabalik ni Troy Rosario matapos magkaroon ng injury at tatlong laro ng TNT KaTropa ang kaniyang na-miss.

Tuloy nabuhay ang tiyansa sa playoffs ng KaTropa matapos lampasuhin ang NLEX Road Warriors, 101-75, kanina, Pebrero 28 sa PBA Philippine Cup eliminations sa MOA Arena.

Lumaki ng hanggang 38 points ang lamang ng TNT sa kanilang sister company na Road Warriors, 69-31, sa third quarter dahil sa pananalasa ng bagong KaTropa na si Jericho Cruz na tumapos na may 17 points.

Gumabay naman ang beteranong si Kelly Williams at nagtala ng double-double figures na 17 points, 16 rebounds at mayroon pang 3 steals.

Ito ang unang beses na nakaabot ng hanggang 100 points ang TNT ngayong conference at ipinakita lamang ng mga manlalaro nito na gusto nilang makapasok sa quarterfinals.

Tumulong ng 14 points si Rosario para sa TNT, na bumalik sa koponan mula sa impresibong laro sa Gilas kontra Japan.

Natapos ang NLEX sa single-round elimination ng All-Filipino na may 6-5 rekord, habang 5-6 ang record ng TNT.

Samantala, isang puntos lang ang naiambag ni rookie Kiefer Ravena sa NLEX, ngunit nakakuha ng responde si coach Yeng Guiao kay big man JR Quinahan ng 20 points at 7 rebounds habang tumulong ng 14 si Kevin Alas.

Kahit pa natalo ang NLEX ay pasok pa rin sila sa quarterfinals at iwas pa rin sa twice-to-win disadvantage, na ayaw mangyari ni Guiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?