29

Oct 21, 2021 @ 15:53
By

Tali suportado ni Bossing pag nag-artista

Aprub kay Bossing Vic Sotto sakaling maisipan ng bunso niyang dyunakis na si Tali na sumabak sa mundo ng showbizness.

“Hindi malayo, dahil ‘yun ang kinalalakihan niya eh,” ani Vic sa isang panayam.

“She’s growing up with all the lights and cameras in front of her ‘pag sa [Eat] Bulaga, ‘di mo mapigilan yun kapag gusto niyang sumingit. And ok naman sa ‘kin kung she’ll be into it,” pagpapatuloy niya.

Anang beteranong host, hindi naman niya ine-engganyo ang mga anak niya na mag-artista at hindi rin naman niya ito dine-discourage.

“Katulad ng sa iba kong anak, ‘di ko ine-encourage and at the same time, ‘di ko naman din dine-discourage. Kung ano gusto nila, kung san sila, masaya ako doon,” wika niya.

Sa ngayon, focus muna aniya ang bunso niya sa kanyang studies.

“Dapat naman kasi unahin ang pag-aaral. ‘Yan ang pinaka importante sa lahat. Kumabaga, on the side lang, if ever na magsho-showbiz, hindi priority.”

Si Talitha ang anak niya sa misis niyang si Pauleen Luna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?