74

Oct 19, 2020 @ 21:40
By

Tali nagbilang sa salitang French, nagpa-wow sa netizens

Marami ang bumilib dahil sa murang edad ay marunong nang magbilang si Talitha Sotto sa wikang Pranses.

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, binahagi ni Pauleen Luna ang video ng anak nila ni Vic Sotto na si Tali habang nagbibilang.

Makikita sa video na gina-guide ni Pauleen si Tali habang nagbibilang ng one to ten sa lengguwaheng French.

“Happy start of the week from this sweet girl! Only a few days left before you turn 3 years old! Also, yesterday she learned how to count in french! Sharing it with you so swipe!” caption ni Pauleen.

“So smart and cute,” comment ni rafireavis.

“Antaraaaaayyyyyyy,” react ni allan_klownz.

“Wahhhhhh galing galing!” sey naman ni rianeshanesantos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?